Domestic helper, prostitute at call center agent. Tatlong karakter na sumasalamin sa iba’t ibang karanasan ng mga kababaihan. Mga babaeng may kanya-kanya mang buhay ay iisa pa rin ang tinutunguhan. Bawat isa ay nangangarap na mabigyan ng kalayaang ipahayag ang mga sarili at ang kanilang karapatan bilang isang indibidwal at isang babae. Ang mga karakter ay binubuo nina Filomina, Josepina at Rosalina. Bumubuo sa iisang pangalan... ang Filipina.
Si Filomina, mas kilala bilang Filice dahil sa pagtatrabaho niya sa labas ng bansa. Nagtrabaho bilang isang domestic helper sa Saudi Arabia. Bago pa man ay naging masikap sa buhay alang-alang sa kanyang pamilya. Gustuhin mang umuwi para makapiling ang pamilya, iniis niyang matrabaho malayo sa pamilya para mabigyan ng buhay ang nagiisang anak. Isa siya sa mga babaeng nghahangad ng maginhawang buhay para sa pamilya at tamang pagkilala bilang isang manggagawa.
Si Josepina, sa kanilang probinsya, mas kilala siya bilang pinpin. Bata pa ay may mataas ng pangarap sa buhay. Ngunit sa di inaasahang pangyayari, siya ay napunta sa isang kasa at nag trabaho bilang isang prostitute. Labag man sa loob ay wala ng magawa dahil siya naikulong sa kasa. Nagkaron ng iba’t ibang karanasan sa iba’t ibang lalaki. Isa siya sa mga babaeng naghahangad mabigyan ng respeto at tanggapin kung ano man siya sa kabila ng kanyang propesyon.
Si Rosalina, mas kilala sa pangalang Ina. Nagtatrabaho bilang isang call center agent sa isang malaking kumpanya sa Maynila. Nangarap ng maayos na buhay para sa pamilya kaya’t piniling magtrabaho sa callcenter. Galing sa isang maayos na pamilya. Di man nakakaangat ay kahit paano’y nakakaluwag naman. Dahil sa maagang pag-aasawa, ay napilitang bumukod sa kanyang pamilya at magtrabaho habang ang kanyang asawa ay walang permanenteng pinagkakakitaan. Isang babaeng nangangarap magkaroon ng pantay na karapatan sa kanyang asawa.
Iba’t iba man ng kalagayan sa buhay ay may iisang hangarin sa buhay. Ang mabigyan ng karapatan ipaglaban ang kanilang mga sarili laban sa karahasan, pangaapi at di pagkakapantay-pantay.